ORIENTATION PATUNGKOL SA BARANGAY AND SANGGUNIANG KABATAAN ELECTIONS, TINALAKAY NG PROVINCIAL LEGAL OFFICE
Nagsagawa ng orientation ang Provincial Legal Office ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan sa ilalim ng Provincial Legal Extension Services Program (PLESP) patungkol sa pamantayan sa darating na October 2023 Synchronized Barangay and Sangguniang Kabataan Elections na ginanap sa VJR Hall sa gusaling kapitolyo ngayong araw, Agosto 16.
Tinalakay dito ang COMELEC Resolution No. 10944 na naglalaman ng guidelines patungkol sa paggamit ng public funds ng gobyerno para sa social welfare projects at public works na maaapektuhan ng election ban. Gayundin, ipinaliwanag ang ilang prohibited acts o mga ipinagbabawal na gawain sa panahon ng eleksyon sa ilalim ng Omnibus Election Code.
Ang naturang aktibidad ay dinaluhan ng ilang department heads at empleyado ng Pamahalaang Panlalawigan na pinangasiwaan sa pangunguna ni Provincial Legal Officer Atty. Joshua Bolusa kasama sina Atty. Mary Joy Cascara, Atty. Gellian Baaco, Atty. Ariel Abis at Atty. Vicente Escala.