PROVINCIAL JAIL MANAGEMENT DIVISION SPORTSFEST PARA SA MGA PDL, SINIMULAN NA
Bilang bahagi ng selebrasyon ng National Correctional Consciousness Month sa darating na buwan ng Oktubre, sinimulan kahapon, Agosto 15, 2023 ng Provincial Jail Management Division (PJMD) ang sportsfest activity kabilang ang sporting events na Basketball, Pool, Volleyball, Chess at Dama para sa mga Persons Deprived of Liberty (PDL) sa nasabing piitan.
Sa ginanap na maikling programa, pinasalamatan ni Provincial Jail Warden PCOL Gabriel C. Lopez (Ret) ang mga naging katuwang upang maisakatuparan ang torneyo.
“Pinasasalamatan natin si Governor V. Dennis M. Socrates, Vice Governor Leoncio N. Ola at Provincial Health Office sa pangangalaga sa atin dito, napapanahon ang pagsasagawa ng sportsfest na pinagtulungang pag-isipan ng lahat dito. Importante na alagaan ang kalusugan kaya ang lagi kong bilin, wala man tayong physical games ay mag-ehersisyo,” ani Lopez.
Samantala, nanumpa naman ang mga kalahok na pagbubutihin ang paglalaro at sisiguruhing mapapanatili at mas lalo pang gaganda ang samahan sa pagitan ng mga manlalarong PDL.
Nagtapos naman ang programa sa pamamagitan ng ceremonial toast na pinangunahan din ni Provincial Jail Warden Lopez.