200 HIGH VALUE FRUIT TREES SEEDLINGS, NAITANIM SA GINANAP NA 'PLANT A TREE' NA PINANGUNAHAN NG PG-ENRO

 

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-123 taong anibersaryo ng Philippine Civil Service ngayong buwan ng Setyembre na may temang “Transforming Public Service in the Next Decade: Honing Agile and Future-Ready Servant-Heroes,” iba’t ibang mga programa at aktibidad ang inihanda ng Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna ng Provincial Human Resource Management Office (PHRMO) sa pamumuno ni PHRMO Officer-In-Charge Rolando B. Buñi para sa lahat ng mga kawani ng kapitolyo.

Kabilang sa mga isasagawang aktibidad ay ang “Kasalan sa Kapitolyo” para sa mga empleyadong nais magpakasal, “Gabi ng Parangal”, “Plant Run”, iba’t ibang mga pagsasanay gayundin ang “Search for Mr. and Ms. Civil Service 2023” bilang tampok na aktibidad ng pagdiriwang.

Samantala, mayroon ding iba’t ibang torneyo ang inihanda para sa mga kawani gaya ng Basketball men, Basketball women, Volleyball women, Badminton men and women (doubles & mixed doubles), Table Tennis men and women (doubles & mixed doubles) at iba’t ibang Board Games. Maliban dito, magkakaroon din ng Palarong Pinoy at Dance Competition.

Opisyal namang bubuksan ang pagdiriwang ng PGP Civil Service Month para sa lahat ng mga kawani ng kapitolyo simula sa Setyembre 11, 2023 sa pamamagitan ng banal na misa na susundan ng parada at magtatapos sa Setyembre 29.

Kaugnay nito, makikiisa rin ang mga kawani ng kapitolyo sa gaganaping “Online Zumba and Film Showing” na gaganapin sa PGP Convention sa Setyembre 01 bilang pakikiisa sa pormal na pagsisimula ng Civil Service Month sa buong bansa na pangungunahan naman ng CSC Field Office-Palawan.