CONSULTATIVE MEETING, PINANGUNAHAN NI GOB. SOCRATES
“Ang ating political decision ay tama kung ito ay para sa kabutihang panlahat, we always need to be just and morally fair,” ito ang tinuran ni Gob. V. Dennis M. Socrates sa mga department heads, program managers, at officers-in-charge ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan sa ginanap na consultative meeting nitong Setyembre 4.
Ibinahagi rin ni Provincial Veterinary Office Officer-In-Charge Dr. Darius Mangcucang ang patuloy na surveillance, monitoring at quarantine inspection sa entry at exit points ng mga munisipyo matapos na maiulat ang positibong kaso ng African Swine Fever (ASF) sa isla ng Cocoro sa munisipyo ng Magsaysay nitong Agosto.
Inimbitahan naman ni Provincial Agriculturist Dr. Romeo Cabungcal ang lahat sa gaganaping ‘Palawan Fruits Festival’ sa darating na September 6, 2023 sa kapitolyo kung saan ay ipapamalas ang iba’t ibang indigenous fruits sa lalawigan.