501 NA MGA PALAWENO, NAKAPAGPROSESO NG LISENSYA SA GINANAP NA LTOPF CARAVAN SA KAPITOLYO

Umabot sa 501 ang kabuuang bilang ng mga indibidwal na nakapagproseso ng aplikasyon at nakapag-renew ng lisensya sa isinagawang License to Own and Possess Firearms (LTOPF) Caravan na isinagawa sa loob ng 5 araw mula Setyembre 11-15, 2023 na ginanap sa PGP Convention Center ng kapitolyo bilang isa sa mga aktibidad sa selebrasyon ng 123rd Philippine Civil Service Anniversary ng mga kawani ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan.

Ang nasabing aktibidad ay naisakatuparan sa pamamagitan ng pagtutulungan ng Regional Civil Security Unit (CSRU-4B) at ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamamagitan ng Provincial Government Security Services (PGSS) at Provincial Peace and Order Program (POP) at ng Palawan Provincial Police Office.

Inaasahan naman na taunan na itong isasagawa sa kapitolyo upang hindi na kinakailangan pang tumungo sa Kamaynilaan ang mga Palaweño na magpoproseso ng LTOPF.