PAMAHALAANG PANLALAWIGAN, NAKIISA SA INTERNATIONAL COASTAL CLEAN-UP DAY

Aktibong nakiisa ang lalawigan ng Palawan sa isinagawang International Coastal Clean-Up Day kahapon, Setyembre 16, 2023 na ginanap sa iba’t ibang barangay ng bawat munisipyo sa lalawigan na pinangunahan ng bawat Pamahalaang Lokal sa pakikipag-ugnayan ng Provincial Government- Environment and Natural Resources Office (PG-ENRO) ng Pamahalaang Panlalawigan.

Ang pakikiisa ng Palawan sa makabuluhang gawaing ito ay alinsunod na rin sa direktiba ni Gob. V. Dennis M. Socrates upang mapanatili ang kalinisan at patuloy na mapangalagaan ang kalikasan ng lalawigan.

Samantala, ang nasabing aktibidad ay sabayang isinagawa at nilahukan ng lahat ng bansa na may layuning mapaunlad ang kamalayan ng bawat isa upang makipagtulungan at maiwasan ang pagkakaroon ng maruming baybayin at ilog sa buong mundo na nagdudulot nang pagkasira ng kalikasan.