MGA BATAS PARA SA LINGKOD-BAYAN, TINALAKAY NG PROVINCIAL LEGAL OFFICE

 

Nasa animnapu’t anim (66) na mga empleyado ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan ang sumailalim sa lecture/seminar patungkol sa ilang batas na may kaugnayan sa mga lingkod-bayan. Ito ay ginanap sa VJR Hall sa gusaling kapitolyo ngayong araw, Setyembre 18 bilang bahagi pa ng mga aktibidad sa pagdiriwang ng Civil Service Month.

Ipinaliwanag dito ang mga probisyon ng Revised Rules on Administrative Cases in the Civil Service gayundin ang Republic Act 6713 o ang “Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees” na nagsisilbing gabay sa mga lingkod-bayan sa paghahatid ng tapat at maayos na serbisyo publiko.

Matapos ang talakayan ay nagsagawa rin ng open forum sa pagitan ng mga partisipante at lecturers.

Ang naturang aktibidad ay pinangasiwaan ng Provincial Legal Office sa pangunguna ni Atty. Joshua U. Bolusa sa ilalim ng Provincial Legal Extension Services Program (PLESP).