SHELTERED PORT SA PAG-ASA ISLAND SA BAYAN NG KALAYAAN, PATULOY ANG KONSTRUKSYON
Sa layunin ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamumuno ni Gob. V. Dennis M. Socrates na maitaas ang pang sosyo-ekonomikong kalagayan at pamumuhay ng mga residente sa Pag-asa Island sa bayan ng Kalayaan, Palawan, patuloy ang isinasagawang konstruksyon ng Provincial Engineering Office (PEO) ng proyektong Sheltered Port sa nabanggit na lugar.
Ayon sa PEO, nasa limampung porsyento (50%) na ang natatapos sa Phase III ng konstruksyon na sinimulan noong Hunyo 30, 2022 at may contract cost na P466-M. Inaasahan namang matatapos at magagamit na ito sa Marso sa susunod na taon.
Matatandaang taong 2018 pa nang simulan ang konstruksyon ng Phase I ng Sheltered Port na may pondong P432-M. Sinundan naman ito ng Phase II construction na nagkakahalaga ng P221-M noong 2021 at nakumpleto ngayong taon.
Ang proyektong ito ay pinondohan ng Department of Transportation (DOTr) at isinasakatuparan ng PEO katuwang ang DOTr, Philippine Ports Authority (PPA) at lokal na pamahalaan ng Kalayaan.
Sa pamamagitan ng proyektong ito, ang komunidad sa Pag-asa Island ay may maayos na port facility para sa mga pasahero, cargo ships pati na rin sa fishing boats kung saan inaasahang magreresulta ito sa pag-unlad ng Fishing at Tourism Industry sa lugar.
Photos & Perspective: PEO