𝟡 𝗑𝗔 π— π—šπ—” π—œπ—¦π—žπ—’π—Ÿπ—”π—₯ π—‘π—š π—£π—”π— π—”π—›π—”π—Ÿπ—”π—”π—‘π—š π—£π—”π—‘π—Ÿπ—”π—Ÿπ—”π—ͺπ—œπ—šπ—”π—‘, 𝗣𝗔𝗦𝗔𝗗𝗒 𝗦𝗔 π— π—˜π——π—œπ—–π—”π—Ÿ π—§π—˜π—–π—›π—‘π—’π—Ÿπ—’π—šπ—œπ—¦π—§ π—Ÿπ—œπ—–π—˜π—‘π—¦π—¨π—₯π—˜ π—˜π—«π—”π— π—œπ—‘π—”π—§π—œπ—’π—‘

Pasado ang siyam (9) na mga iskolar ng Pamahalaang Panlalawigan sa isinagawang Medical Technologist Licensure Examination na ginanap nitong buwan ng Marso 2024.

Ang nakapasang mga bagong medical technologists ay sina Macolai D. Edillorana; Farhanah B. Said, at Angelica Jane F. Nicer ng bayan ng Quezon; Josette Rube S. Valenzuela ng Roxas; Shiena Mari Y. De Guzman ng Aborlan; NiΓ±o J. Gamarcha ng Taytay; Samantha Ysabelle G. Yara; Rarelie Rozalee S. Grimpola, at Gail Emmanuelle A. Gilbuela ng lungsod ng Puerto Princesa.

Ang nasabing mga iskolar ay tinulungan ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamamagitan ng SPS Alay sa Kabataan – Programang Pang-Edukasyon para sa PalawenΜƒo o ang Medical Scholarship Program na ang pangunahing layunin ay makapagbigay ng tulong sa mga karapat-dapat na mga estudyante na nais kumuha ng kursong medisina at iba pang medical-related courses gaya ng Bachelor of Science in Medical Technology.

Ayon kay Gng. Maria Victoria B. Baaco, Program Manager ng PPP, ang naturang mga iskolar ay kabilang sa 4th batch ng BS in Medical Technology scholars ng Pamahalaang Panlalawigan kung saan may kabuuan ng 18 ang matagumpay na nakapasa sa nasabing eksaminasyon mula sa unang batch nitong nakalipas na taong 2022.

Aniya, maliban sa scholarship grant na ipinagkaloob sa mga nakapasang iskolar, lima sa mga ito ay nagkapag-avail din ng Review Assistance mula sa programa na nagkakahalaga ng tig P50,000.00 na ginamit para sa kanilang bayarin sa review at pagkuha ng nabanggit na eksaminasyon.

Hangad ni Gob. V. Dennis M. Socrates na patuloy na matulungan ang mga kabataang PalaweΓ±o na makapag-aral sa pamamagitan ng nasabing scholarship program at upang mas mapalakas ang sektor ng kalusugan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng karagdagang medical professionals na maglilingkod sa mga ospital na pinangangasiwaan ng Pamahalaang Panlalawigan sa iba’t ibang munisipyo bilang pagbabalik serbisyo sa mga PalaweΓ±o.