𝗣π—₯π—’π—©π—œπ—‘π—–π—œπ—”π—Ÿ 𝗧π—₯π—˜π—”π—¦π—¨π—₯π—˜π—₯’𝗦 π—’π—™π—™π—œπ—–π—˜, π—‘π—”π—šπ—›π—”π—œπ—‘ π—‘π—š π—™π—œπ—‘π—”π—Ÿ π—‘π—’π—§π—œπ—–π—˜ 𝗒𝗙 π——π—˜π—Ÿπ—œπ—‘π—€π—¨π—˜π—‘π—–π—¬ 𝗦𝗔 π— π—šπ—” π——π—˜π—Ÿπ—œπ—‘π—€π—¨π—˜π—‘π—§ 𝗣π—₯π—’π—£π—˜π—₯𝗧𝗬 𝗒π—ͺπ—‘π—˜π—₯𝗦 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗑 π—‘π—š π„π’ππ€Γ‘πŽπ‹π€

Personal na inihain ng Provincial Treasurer’s Office (PTO) sa pamamagitan ng mga kawani ng Local Revenue Operations Division nito ang Final Notice of Delinquency sa mga delinquent property owners sa iba’t ibang barangay sa Munisipyo ng Espanola katuwang ang Municipal Treasurer’s Office sa pangunguna ni Municipal Treasurer Wilma M. Lopot nitong nakalipas na Abril 22-26, 2024.
Ang pag-iisyu ng Notice of Final Deliquency ay inilalabas ng Provincial Treasure’rs Office matapos na mabigong makapagbayad ng kaukulang buwis ang mga may-ari ng mga ari-ariang hindi natitinag gayundin ang ipinataw na surcharges makaraang mapadalhan ang mga ito ng Notice of Delinquency ng mga Municipal Treasurer’s Office. Ipinapaskil din ang listahan ng mga ari-arian sa mga barangay hall na may mga nagmamay-ari na hindi pa nakapagbayad ng kaukulang buwis.
Ayon kay Provincial Treasurer Elino P. Mondragon na siya ring Chairman ng Provincial Committee on Public Auction, ang paghahatid at pagpapadala ng abiso sa mga nagmamay-ari ng mga ari-ariang hindi natitinag ay alinsunod sa mga probisyon ng Sections 250, 254, 258 at 260 ng Local Government Code of 1991 (Republic Act 7160) Real Property Taxes due for Calendar year 2023 at sa mga nakalipas na taon.
Maaaring humantong sa public auction sale ang mga ari-arian o maaaring masampahan ng kaukulang kaso sa korte ang mga may-ari nito bilang parusa dahil sa hindi pagbabayad ng buwis. Mayroon din namang pagkakataon na hindi maisama ang mga ari-arian sa public auction kung mababayaran ang kaukulang buwis at multa bago isagawa ang auction sale.
Ang real property taxes ay bumubuo sa malaking bahagi ng kinakailangang kita ng gobyerno upang masuportahan ang mga serbisyong pampubliko ng mga lokal na pamahalaan.
Patuloy namang nananawagan si Provincial Treasurer Mondragon sa mga may-ari ng mga nabanggit na ari-arian na agarang bayaran ang kanilang buwis at makipag-ugnayan sa kanilang tanggapan at huwag nang hintayin na mapadalhan pa ng Warrant of Levy na ang kasunod ay ang pagsasailalim na ng kanilang mga pag-aari sa public auction sale.